Jewel In the Palace TV Series Review

                                           

                                    Jewel In The Palace



            Ang Dae Jang-geum o sa mas kilala sa pamagat na “jewel in the palace” ay isang 2003 korean television series sa direksyon ni Lee Byung –hoon. Ito ay hango sa totoong storya ng isang babae na nag ngangalang jang-geum, Isang maalamat na unang babae na naging pinakadakilang doktor sa Joseon dynasty ng kanyang panahon, at ito ay ginampanan ng isa sa pinaka sikat na artista sa korea na si Lee Young –ae. Malakas ang impact ng tv series na ito sa maraming manonood kaya Marami ang humanga sa istoryang ito, kaya naman hanggang ngayon ay marami parin ang pauit-ulit na nanonood nito.

             Pinagbibidahan ni Lee Youg-ae sa papel na kanyang ginampanan, sinasabi nito ang kwento ng isang naulila sa lutuin ng kusina, na nagpunta upang maging unang manggagamot ng hari. Sa isang pagkakataon na ang mga kababaihan ay may kaunting impluwensya sa lipunan, ang batang mag-aaral na si jang-geum ay pinag-aaralan ang pagluluto at upang matutunan ang mga lihim na pagluluto  at gamot ng Korean  upang pagalingin ang hari at ang iba’t ibang karamdaman. Ang pangunahin tema ng kanyang kwento ay ang kanyang tyaga at ang pagguhit ng tradisyunal na koreanong kultura, kabilang na ang kanilang tradisyunal na pagluluto at tradisyunal na gamot.

-Nireview ni Anne Tolentino

      Dae Jang Geum o mas kilala sa tawag na Jewel in the Palace. Ito ay isa sa Korean Television series na dinirect ni Lee Byung-hoon at isinulat ni Kim Yeong-hyeon. Unang ipinalabas ito noong September 15, 2003 hanggang March 23, 2004 sa MBC. Ito ay nanguna sa rating dahil sa rami ng nanuod dito. 

      Ang story ay batay sa totong tao na unang babae na naging physician ng hari. Ang nasabing palabas ay ginampanan ni Lee Yeong-ae bilang Jang Geum, isang matalino at masipag na babae. Una siyang naging tagapagluto at naging physician. Marami ang naging hadlang o kontrabida sa kanyang buhay ngunit hindi yun naging dahilan para muling siyang lumaban at magtagumpay sa kanyang buhay.


-Nireview ni Christine Calamba

            Isa sa pinakaunang Asianovela na kinahumalingan ng sambayanan noon, Jewel in the Palace na pinagbidahan ng korean actress na si Jo Jung-eun. Hango ang istoryang ito sa makasaysayang nakaraan na tungkol sa babaeng kauna-unahan daw na naglingkod sa hari. 
         
               Dahil sa tagumpay na nakamit ng drama series na ito, naipalabas na sa halos 60 na bansa sa ilalim ng pangalan na “Jewel in the Palace” at “The Great Jang Geum” at noon nga lang Nobyembre 2004 ay ipinalabas ito sa Pilipinas. Naging usap-usapan ang Jewel in the Palace di lamang dahil sa ganda ng istoryang ito, kundi dahil na din sa pagkakahawig ng bidang aktres sa filipina actress na si Marian Rivera.

-Nireview ni Cassiopiea Fulgencio







Comments

Post a Comment