Aldub Celebrity Review




ALDUB Celebrity Review

                                                           
                           Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang AlDub. Nagsimula ang kanilang tambalan sa isang segment ng Eat Bulaga na Juan for All, All for Juan na kung saan nagkaroon ng soap opera parody na pinamagatang "Kalyeserye". Kasama nila sa serye na ito sina Wally Bayola bilang Lola Nidora, Jose Manalo bilang Lola Tinidora at Paolo Ballesteros bilang Lola Tidora.
                                  Ang tambalang AlDub ay humakot ng mataas na ratings at lagi itong trending sa twitter at iba pang social media sites. Sa araw-araw na pagpapakilig ng AlDub sa mga tao, ang kanilang tambalan ay nagkaroon ng concert na pinamagatang "Sa Tamang Panahon". Ang concert na ito ay nagkaroon ng 41 million tweets sa loob lamang ng isang araw at ito ay naging global record. Mapahanggang ngayon, ang AlDub ay patuloy na sumisikat sa kanilang pagpapakilig sa mga tao.

-Reviewed by Christine Calamba



                Aldub, The Phenomenal loveteam Ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) o mas kilalang Aldub ay naging tanyag di lamang sa Pilipinas kundi pati sa ibang sulok ng mundo. Nagsimula ang loveteam nila ng biglang kiligin si Yaya dub kay Alden sa segment ng Eat Bulaga! na Juan for All, All for Juan. Doon nagsimula at umusbong ang kanilang tambalan na nagkaroon pa ng sariling segment na pinamagatang kalyeserye.
                                    Maraming nagsabi na natural ang kanilang chemistry. Walang arte, kusa nalang nakikita at lumilitaw sakanila. Maraming sumuporta sakanila at dahil dito, wala pang apat na buwan ay nagkaroon na agad sila ng concert sa Philippine Arena at di ko lubos maisip na mapupuno nila ito. Take note, 51,898 ang kapasidad ng arena neto pero napuno ng fans nila. Bukod pa dito ang mga ‘team bahay’ at ‘team abroad’. Bukod dito, sunod sunod din ang advertisement nilang dalawa kagaya ng McDonald’s, Talk n’ Text, Zonrox at Bear brand. 
                                  Hindi mapagkakaila na ang pagusbong ng pangalan ng dalawang tao ito kahit kailanman ay hindi mapapantayan ng kahit sinoman lalo na sa puso ng mga taong nagmamahal sakanila. Ang Tambalang Maine at Alden ay naging kasiyahan ng maraming Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo, at isa sila sa naging dahilan kung bakit nakakalimutan ang lungkot at problema ng mga humahanga sakanila.

-Reviewed by Cassiopeia Fulgencio



      aldub ay isang love team or super couple ng pilipinas. ito ay isang kathang-isip lamang dahil sa pinagsama ang dalawang tauhan ng tambalan.
        ang aktor na si Alden Richards at Maine mendoza na mas kilala sa tawag na "yayadub".  pareho sila naging bahagi ng
       programmang "juan for all, all for juan" ng eatbulaga. Nagsimula ang kanila ng tambalan noong july 16, 2015 nang makuhanan ng kamera si yayadub habang kinikilig nang Makita ang actor na si alden Richards sa show ng live split screen. October 1, 2015 nang magsimula ang kanilang unang duet nang kantahin nila ang kantang “wish I may”at “God Gave me you.

kalyeserye:
Dahil sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa pagpapares ng ALDUB, nagpasaya ang mga producer ng eat bulaga na gumawa ng 30-minute na soap opera parody ang "juan for all, all for juan" para sa tandem. ang "kalyeserye" ay inilarawan bilang parody sa philippine television sa pamamagitan ng improve acting , na itinanghal ng live mula sa isang kalye sa barangay na itinampok sa "juan for all, all for juan", ayon kay  poochie rivera, (isa sa mga direktor ng programa) ang programa ay inilalarawang natural at unscripted at hindi nila ito nirehearse. 
sinisikap nilang mapanatili  ang spontaneity dahil ito ay isang malaking bahagi ang kagandahan ng programang ito. 
                    sa bahagi ng programa, nandito rin sila jose manal (bilang frankie arinolli, tinidora at iba't ibang karakter), wally bayola (bilang lola nidora iba pang mga karakter), 
paolo ballesteros (bilang tidora at ang kanyang iba't ibang mga karakter)at iba pang cast at mga karakter. 

-Reviewed byAnne Tolentino





Comments