The PreNup Movie Review








The Prenup: Movie Review 

Matapos ang matagumpay na romantic comedy movie ni Jennylyn Mercado na “English only, Please” kasama si Derek Ramsay, nasundan na agad ito ng palabas na “The Prenup’ kung saan ka-loveteam nya dito ang batikang actor na si Sam Milby. 
Makikita sa palabas na may chemistry ang dalawa kahit na unang beses pa lang nila magtambal. Bago ipalabas ang “The Prenup” ay inilahad ni Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram account kung gaano siya ka-excited sa release ng pelikula. Sabi naman ni Sam, ibinigay niya ang kanyang best dito at gusto niya makita ng mga manunuod.
Maliban kay Jennylyn at Sam,  kasama din sa pelikula sina Freddie Webb, Jaclyn Jose, Melai Cantiveros, Gardo Versoza, Dominic Ochoa, Ella Cruz, Neil Coleta, and Nathalie Hart.
Naging box-office ang “The Prenup” matapos umabot ng P8 Million ang kita nito sa unang araw at P20 Million sa unang linggo pa lang.

- Reviewed by Cassiopeia Fulgencio

Unang nagtambal ang actor na si Sam Milby at ng actress na si Jennylyn Mercado sa pelikulang "The Prenup." Kasama nila dito ang ilan sa mga bigating artista katulad nila Freddie Webb, Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Dominic Ochoa, Neil Coleta, Ella Cruz, Natalie Hart at Melai Cantiveros. 
Ito ay isang romantic comedy na kung saan lumitaw ang karisma ni Jennylyn sa pagpapatawa at husay sa pag arte ni Sam. Sa palabas na to masasabi kong may kilig factor ang kanilang tambalan. Napakanatural ng pag arte nila at dinadala nila ang isat isa. Masasabi ko din na sulit at maganda ang palabas na ito. May kilig, lungkot, saya kang mararamdaman habang pinapanood mo ito.

-Reviewed by Justine Alarcon

Comments