Empoy Marquez celebrity review

EMPOY MARQUEZ

                                   Julius Empoy Marquez or simply Empoy Marquez. Taong 2003 noong sumali siya sa isang noon time show at sa parehong taon ay napasali siya sa Pelikula ni Vhong Navarro na “Mr. Suave”. Simula noon ay nagtuloy tuloy na ang karir niya bilang artista.
                                    Isa siya sa kinikilalang komedyante ng industriya, hindi rin matatawaran ang galing niya sa pag arte, patunay dito ang pelikulang pinaggampanan niya kamakailan lang. Ang palabas na ‘Kita kita’ siguro nga ang matatawag na biggest break para kay Empoy dahil dito napansin ng madami ang husay nya sa pag arte hindi lamang sa larangan ng komedya kundi pati narin sa galing niya sa drama

-Reviewed by Cassiopiea Fulgencio

Si julius empoy marquez o sa mas kilala sa tawag na empoy ay isang filipino actor at commedian.sya ay pinanganak noong july 3, 1981 sa baliuag, bulacan, philippines. kilala sa role bilang kapitan awesome at mac and chiz. isa sya sa naging finalist of mr. suave look-a-like singing contest sa isang noon time show at nagtuluy tuloy na ang kanyang career kaya nagsimula na ang kanyang pag arte noong 2001.

                 ngayon 2017, nagkaroon sya ng malaking break dahil nagkaroon sya ng first major role sa isang romantic-comedy film na kita kita. Pumatok ang kanilang pelikula na kumita ng 200 milyon at patuloy ang pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang pinagbibidahang pelikula kasama ang kanyang loveteam sa pelikula na si alessandra de rossi.

-Reviewed by Anne Tolentino

Si Empoy Marquez ay ipinanganak noong July 3, 1981 sa Baliuag Bulacan. Isa siyang kilalang artista sa Pilipinas dahil sa kanyang talentong pagpapatawa. Nakilala si Empoy sa Mr. Suave, isang look-a-like contest sa ABS-CBN na ipinalabas sa tanghali at sumikat ito sa mga manunuod. Nagsimula ang kanyang pag-arte noong 2001 at marami siyang ginampanang papel sa iba't-ibang teleserye at pelikula. Sa ngayon, isa siya sa mga nagpapatawa sa palabas na Banana Split at nagkaroon siya ng kauna-unahang pelikula na kung saan siya ay isang leading man. Marami ang tumangkilik ng kanyang pelikula dahil sa galing niyang umarte at magpatawa. Lubos na nagpapasalamat si Empoy dahil hindi niya akalaing papatok ang kanyang pelikula at maraming manunuod rito.

-Reviewed by Christine Calamba

Comments